Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa 510 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Ayon sa PAGASA, maghahatid na ito ng hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region sa susunod na 24-oras.
Itinaas na ang public storm warning signal number 2 sa Surigao del Sur.
Habang signal number 1 naman ang nakataas sa sumusunod na lugar:
- Dinagat Island
- Surigao del Norte
- Agusan del Norte
- Agusan del Sur
- Davao del Norte
- Compostela Valley
- Northern Davao Oriental
- Northern Davao del Sur
- North Cotabato
- Bukidnon
- Misamis Oriental
- Camiguin
Mamayang gabi o kaya ay bukas ng umaga ay tatama ang bagyo sa kalupaan ng Cagara o Davao Region.
Sa susunod na mga oras, magtataas na rin ang PAGASA ng signal number 1 sa Bohol, Lanao del Norte, Lanao del Sur at Maguindanao.