Sa inihaing Senate Resolution 533 ni Pimentel kahapon, binanggit niya ang mga isyung idinulog ng mga environmental groups na galit na galit sa pagtatapon ng 103 container vans ng mga basura na dinala mula Canada patungong Maynila noon pang 2013.
Nakasaad din dito na alinsunod sa Article 11 Section 16 ng Saligang Batas, mandato ng Estado na protektahan ang karapatan ng mga Pilipino para sa “balanced and healthful ecology in accord with the rhythm and harmony of nature.”
Ang mga “monumental consequences” aniya ang nagtulak sa kanilang mga nasa Senado na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation.”
Ito’y upang matukoy na rin kung mayroong mga sapat na batas para ipagbawal ang walang pakundangang pagpasok at pagtatapon ng mga solid wastes at iba pang mapanganib na basura sa bansa.