Ang parade para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay magsisimula alas 2:00 ng hapon sa Muntinlupa Sports Center sa Barangay Tunasan at magtatapos sa Filinvest City Event Grounds sa Alabang.
Sa abiso ng traffic bureau ng lungsod, narito ang mga listahan ng mga isasarang kalsada at ang alternatibong ruta para sa mga maaapektuhang motorista:
- Closed: From Tunasan, San Pedro and Biñan to North
- Alternate: Susana Heights Access Road, to SLEX and exit in Alabang Filinvest Toll Plaza.
- Closed: Poblacion to North or South
- Alternate: Enter Katarangan Gate from Daang Hari Road, left to J. Abad Santos Street, right to C. Arellano Street, straight back to Daang Hari Road.
- Closed: From Soldiers Hills, Mutual Homes, Camella Homes, Pleasant village at RCE homes, to any destination
- Alternate: Enter access road (follow directional signs).
Tinatayang nasa 5.5 kilometers ang haba ng dadaanang ruta ng parada.
May payo naman ang pamunuan ng MMFF sa mga manonood at lalahok sa parada.
Sa inilabas na rules for safety ng MMFF, bawal ang pagdadala ng mga armas, alak at iba pang mga ipinagbabawal na items.
Bawal din ang mga metallic object gaya ng buckle belts, at metal spoon at forks.
Pinaalalahanan din ang mga manonood na hindi sila dapat mag-joke tungkol sa bomba.
Bawal din ang mga batang mas mababa sa 4-feet ang height.