Isinagawa ngayong araw ang groundbreaking ceremony para sa itatayong bagong passenger terminal building sa Clark International Airport
Ang groundbreaking ceremony ay pinangunahan nina Department of Transportation Sec. Arthur Tugade, House Speaker Panteleon Alvarez, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Exec. Sec. Salvador Medialdea.
Sa taong 2020 ang target na makukumpleto ang konstruksyon ng nasabing passenger terminal.
Ikukunekta ang nasabing passenger terminal sa itatayong Tutuban to Clark rail system ng pamahalaan.
Dahil sa bagong itatayong terminal, inaasahan na mula sa 4 na milyon na taunang passenger capacity ng Clark International Airport ay aabot ito sa 12 milyon.
READ NEXT
Philippine Red Cross nagtalaga ng water bladder sa Biliran para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Urduja
MOST READ
LATEST STORIES