Philippine Red Cross nagtalaga ng water bladder sa Biliran para sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong Urduja

FB Photo | Biliran Island

Dahil matinding problema ng mga residente sa Biliran ang suplay ng tubig matapos ang pananalasa ng bagyong Urduja, nagtalaga ng water bladder ang Philippine Red Cross (PRC) sa Biliran Provincial Hospital.

Labinglimang libong litro ng water bladder ang dinala ng red cross para matiyak na may sapat na inuming tubig ang mga pasyente sa ospital gayundin ang mga residente sa kalapit na lugar.

Nagbigay din ng anti-tetanus vaccines ang mga kinatawan ng red cross sa mga nasugatang residente.

Bitbit din ng red cross team ang 200 kulambo, 200 kumot, 100 hygiene kits, 15 portable generator sets, 1 water treatment set para sa mga apektadong pamilya.

Naka-standby na rin ang Cebu Chapter ng red cross para mag-deploy ng payloader, water tanker, truck, generator sets, deployment tents, at communication kits kung kakailanganin.

 

 

 

 

 

Read more...