Apat ang sugatan sa sunog sa Novaliches, QC

Kuha ni Jap Dayap

Tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa Barangay Bagbag sa Novaliches, Quezon City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 8:00 ng umaga sa residential area malapit sa Sauyo Market.

Itinaas ito sa 4th alarm alas 8:14 ng umaga.

Ayon sa mga residente sa lugar at base na rin sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Fire Department, sa bahay na pag-aari ni Renante Llamis nagsumula ang apoy.

Nasugatan dahil sa nasabing sunog ang residenteng sina Darwin Tagama at si Rizalina Bayola, gayundin ang mga bumbero na sina FO1 Augusto Cariaga at FO3 Darnayla Adonis.

Pasado alas 9:00 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sunog.

 

 

 

 

 

 

Read more...