Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ang Philippine Coast Guard ng 33,462 na mga pasaherong bumiyahe sa mga lalawigan.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas na umabot sa 9,175.
Mahigit 8,000 pasahero naman ang naitalang bumiyahe sa mga pantalan sa Southern Tagalog habang 5,000 ang naitala sa South Eastern Mindanao.
Sa monitoring ng PCG sa ilalim ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos, marami na ring bumibiyahe sa Palawan, Southwestern Mindanao, Northern Mindanao, Bicol, Eastern at Southern Visayas.
Inaasahang ngayong weekend mas dadagsa pa ang mga pasaherong bibiyahe para sa nalalapit na paggunita ng Pasko.
MOST READ
LATEST STORIES