Rider patay matapos maaksidente sa Santolan Flyover

Kuha ni Justinne Punsalang

Patay ang isang motorcycle rider matapos itong maaksidente sa Santolan flyover southbound sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Frandyvic Arboleda, tatlumput limang taong gulang na nagtamo ng severe head injury.

Sa pagitan ng alas 12:00 at ala 1:00 pa ng madaling araw nang maganap ang aksidente ngunit na-ireport lamang ito sa Quezon City Traffic Sector 4 bandang alas 2:00 ng madaling araw.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Quezon City Traffic Sector 4 at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), self-accident ang pangyayari.

Minamaneho ng biktima ang isang motorsiklo na may plakang 9021 UR.

Kaya paalala ng mga otoridad sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho lalo na’t maulan at madulas ang mga kalsada. Para naman sa mga rider, laging mag-suot ng helmet.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naturang aksidente.

 

 

 

 

 

Read more...