LPA na nasa labas ng bansa, magiging ganap na bagyo pagpasok ng Pilipinas

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas pa ng bansa.

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 975 kilometers East ng Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Samuel Duran, sa pagitan ng umaga at tanghali ngayong araw ay papasok ng bansa ang nasabing LPA.

Mabubuo din ito bilang isang ganap na bagyo pagpasok sa bansa at papangalanang Vinta.

Sa December 22, araw ng Biyernes ay inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Southern part ng Mindanao.

Pero bago ang pagtama sa kalupaan, lalakas pa ang bagyo at magiging isang tropical storm.

Sa ngayon apektado na ng extension ng nasabing LPA ang silangang bahagi ng Mindanao.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...