‘Carmaggedon’ sa Metro Manila sa weekend, ibinabala ng traffic app na Waze

Ibinabala ng community-based traffic and navigation application na Waze ang posibleng traffic jam ngayong weekend.

Inaasahan kasing lalala pa ang trapiko sa ‘peak’ ng Christmas holiday.

Ayon sa Waze, inaasahang ang pinakamalalang mga oras ng trapiko ay sa pagitan ng alas-4 at alas-6 ng gabi.

Samantala, ang pinakamatinding araw naman para sa pagmamaneho ay sa Biyernes, na inaasahang ‘peak’ ng Christmas rush.

Ibinase ng mobile app ang kanilang projection sa kanilang mga nakalap na data mula sa holiday season noong nakaraang taon.

Ibinabala rin ng mobile app na hindi lamang sa Metro Manila makararanas ng pagsisikip ng trapiko.

Inaasahan din ang paglala ng trapiko sa mga lungsod ng Batangas, Naga, Angeles, Iligan, Iloilo City, Cagayan de Oro, Davao City, Zamboanga City at General Santos City.

Suhestyon ng Waze, umalis ng maaga kung pupunta sa mga lugar na ito o hindi kaya ay humanap ng iba pang lugar kung saan maaaring ipagdiwang ang holiday.

Read more...