MMDA sa mga motorista ngayong Christmas weekend: Kalma lang

Nasa 60,000 karagdagang mga sasakyan ang inaasahang mas magpapasikip pa sa mga pangunahing kalsada partikular sa EDSA ngayong Christmas weekend.

Dahil dito, nananawagan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na mas maging pasensyoso sa trapikong inaasahan ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager for planning Jojo Garcia, dapat ay mas obserbahan ng mga motorista ang disiplina sa kalsada.

Ito ay upang hindi magdulot ng road crashes ang pagkainit ng ulo ng mga motorista na kadalasan ay mas nagpapasikip pa sa trapiko.

Sinabi ni Garcia na nasa 20 percent na karagdagang mga sasakyan mula sa mga kalapit probinsya ang magookupa sa mga lansangan sa panahong ito.

Karaniwan anyang nanggagaling ang mga shoppers mula sa Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan upang makabili ng mga murang bilihin nagyong Pasko.

Ipinaalala naman ng opisyal na gamitin ng publiko ang 17 Mabuhay Lanes na inilaan ng MMDA bilang mga alternatibong ruta ng mga motorista.

Read more...