Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, ito ang paunang halaga na kanilang ilalabas mula sa taunang calamity funds ng kanilang ahensya upang makabili ng mga gamot at tubig.
Paliwanag ni Balutan, mayroon silang P100 milyong halaga ng taunang calamity funds na aprubado ng Department of Budget and Management (DBM).
Inilalaan aniya ito sa mga natural at man-made disasters na nangyayari sa bansa, at para sa taong 2017, mayroon pa silang natitirang P95 milyon na maaring magamit para sa mga biktima ng bagyo.
Ayon sa PCSO, ang pinakamatinding naapektuhan ng mga landslides at pagbabaha ay ang Samar, Leyte, at Biliran.
Maliban sa mga donasyon, irerekomenda ni Balutan sa PCSO board na maglaan ng bahagi ng budget para sa Yuletide fellowship ng mga empleyado upang makabili ng mas marami pang mga gamot at tubig.
Kasabay nito ay ang pagbibigay ayuda ng PCSO sa mga bayarin sa ospital ng mga sugatan dahil sa bagyo.
Samantala, inatasan na ang mga branches ng PCSO sa mga probinsyang nasalanta ng bagyo na magbukas 24-oras upang matulungan ang mga pasyante at magbigay ng serbisyo medikal sa mga apektadong residente.