Tricycle driver, sugatan sa pamamaril sa Mandaluyong City

Sugatan ang isang 20-anyos na tricycle driver matapos siyang barilin malapit sa isang condominuim sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong City Police chief Senior Supt. Moises Villaceran, ang biktima ay nakilalang si John Paul Domingo.

Minamaneho lang umano ni Domingo ang kaniyang tricycle nang bigla siyang paputukan ng dalawang suspek na pawang mga nakatakip ang mukha at parehong nakasakay sa motorsiklo.

Isa pa sa kanila ang bumaba ng motorsiklo para targetin si Domingo.

Nangyari ang insidente malapit sa condominium sa kahabaan ng Coronado Street sa Barangay Hulo, hapon ng Martes.

Naisugod sa Mandaluyong City Medical Center si Domingo na nagtamo ng hindi bababa sa isang tama ng bala sa dibdib at nasa kritikal pang kondisyon.

Read more...