1 patay sa banggaan ng truck at pick-up sa SLEX

Photo from Ju Li via Facebook

Isa ang nasawi sa aksidenteng naganap sa South Luzon Expressway (SLEX) Martes ng hapon, na kinasangkutan ng isang trailer truck at pick-up.

Ayon sa Manila Toll Expressway Systems Inc. (MATES), operator ng SLEX, naganap ang aksidente sa southbound lane ng SLEX bandang 1:30 ng hapon.

Dahil humambalang ang truck at pick-up, binuksan ng SLEX ang dalawang counterflow lanes sa northbound lane upang madaanan ng mga sasakyang naipit na sa trapiko.

Unang napaulat na sugatan ang dalawang biktimang nakilalang sina Brendo Abrera at Rommel Cabanilla.

Parehong nadala sa ospital ang dalawang biktima ngunit sa kasamaang palad ay nasawi rin si Abrera, habang patuloy na nilalapatan ng lunas si Cabanilla.

Bandang alas-5:00 ng hapon nang tuluyang maalis ang dalawang sasakyan sa southbound lane ng SLEX.

Iimbestigahan naman ng mga otoridad kung ano ang naging sanhi ng naturang aksidente.

Read more...