Bumuo na ng team ang Deptartment of Social Welfare and Development sa Region 8 para mapabilis pa ang assessment sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Urduja’.
Ayon kay DSWD-Officer-in-chargw Emmanuel Leyco, sa pamamagitan umano nito, mas mapapadali ang validation ng data na ipinapadala ng LGUs, at gawing priority ang mga lugar na nararapat bigyan ng tulong.
Ang mga nasabing teams at ide-deploy sa iba’t ibang bahagi ng Region 8, kasama na ang Leyte, Biliran, Eastern Samar, Samar province, at Northern Samar.
Tiniyak ng DSWD na may sapat na family food packs na naka-preposition sa mga warehouse sa iba’t ibang lugar sa Central Visayas.
Nagpadala na rin ng family food packs ang DSWD Region 5 sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.
MOST READ
LATEST STORIES