Mga kalsada na naapektuhan ng bagyong Urduja bukas na sa trapiko

Inquirer file photo

Binuksan na sa trapiko ang ang tatlong road section sa MIMAROPA at Eastern Visayas na isinara dahil sa pagbaha at landslide dulot ng bagyong Urduja.

Ini-ulat ito ng Department of Public Works and Highways base sa pinakahuling ulat ng Bureau of Maintenance (BOM) ngayong araw.

Kabilang sa binuksan na sa publiko ang Dr. Damian Reyes Memorial Road Boac Side sa Marinduque; Naval-Almeria Road sa Biliran; at Mainit- San Miguel- Santol Road, Santol- Carayray Section- Taghawili Bridge Approach sa Leyte.

Nananatili naman na sarado ang ilang kalsada sa MIMAROPA kabilang ang Sibuyan Circumferential Road, Tinimbawan Bridge  Detour Bridge sa Romblon.

Sa Biliran Province, sarado pa rin ang Naval-Caibiran Cross Country Road, Naval-Calumpang Section at Biliran-Naval Circumferential Road dahil sa nasirang Catmon Bridge at Caray-Caray Bridge.

Sa Leyte, nananatiling sarado ang Bagahupi-Babatngon-Sta. Cruz-Barugo-Carigara Road, Jaro-Dagami-Burauen-Lapaz,  Libungao-Matag-ob-Palompon Road at  Kananga-Tungonan Hot Spring Road.

Read more...