Pinag-iisipan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na gumamit ng thermal cameras para mahuli ang mga motorista na lalabag sa High-Occupancy Vehicle (HOV) lane policy sa EDSA.
Ayon kay Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning, makatutulong ang nasabing camera sa mga traffic enforcer para masuri ang mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA.
Sa pamamagitan din aniya ng thermal camera, makikita ng mga traffic enforcer ang laman ng isang sasakyan kahit pa tinted ito.
Sinabi din ni Garcia na magagamit ito para matiyak na sumusunod sa HOV lane policy ang mga motorista.
Umaasa si Garcia na magkakaroon sila ng budget para makabili ng thermal cameras.
Pero tumanggi si Garcia na magbigay ng timeline sa prosesong gagawin sa pagbili ng nasabing camera.