Nilinaw ng Malacañang na hindi permanente ang pagkalas ng Pilipinas sa Millennium Challenge Corporation ng U.S.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque pansamantala at sa second cycle lamang ng MCC ang pag-alis ng Pilipinas.
Maari pa naman aniyang bumalik ang Pilipinas kapag naging maayos na ang lagay ng bansa.
Una rito, sinabi ni Roque na nagpasya si Pangulong Duterte na kumalas sa MCC dahil bibigyan muna nito ng prayoridad ang rehabilitasyon sa Marawi City matapos ang limang buwang pakikipag-giyera sa teroristang Maute group.
Una nang tumanggap ang Pilipinas ng $434 Million mula sa MCC noong 2010 para pondohan ang tatlong mga pangunahing proyekto.
Kabilang dito ang pagkumpuni ng $214.4 Million na 220-kilometer na Samar Roads, ang $120 Million na Kahali Development project, at ang $54.3 Million investments para gawing computerize na ang business processing sa BIR na kinakailangan para maiwasan ang mga kaso ng kurapsyon.