Patay sa bagyong Urduja umakyat na sa 41 ayon sa NDRRMC

Photo from Sec. Harry Roque

Umakyat na sa 41 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Urduja sa bansa.

Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa 41 na nasawi, mayroon pang 45 pinaghahanap.

Habang ang Department of Health (DOH), nasa 67 ang naitala na nasugatan sa Samar at Leyte.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan na sa ngayon nasa 12,682 na pamilya pa ang nananatili sa mga evacuation center sa MIMAROPA, regions 5, 6, 7 at 8 at sa Caraga.

Nasa P543 milyon naman ang naitala ng NDRRMC na halaga ng pinsala ng bagyo.

 

 

 

 

 

Read more...