Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Biliran dahil sa matinding pinsala na natamo nito bunsod ng bagyong Urduja.
Sa isinagawang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Biliran, nagkasundo ang mga miyembro nito na ideklara ang state of calamity.
Sa inisyal na pagtaya ng provincial government, aabot sa P300 milyon hanggang P400 milyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa Biliran.
Partikular na napinsala ang mga pananim, imprastraktura, livelihood ng mga residente at maging mga pribado at pampublikong pasilidad at gusali.
Nilagdaan ni Biliran Gov. Gerardo Espina Jr. ang deklarasyon.
MOST READ
LATEST STORIES