Pinasasampahan na ng plunder ng Senado ang mga dating immigration officials na sangkot sa umano’y bribery scandal kaugnay sa kaso ng gambling mogul na si Jack Lam.
Sa inilabas na 31 pahinang committee report ng senate blue ribbon committee na pinangungunahan ni Sen. Richard Gordon, inirekomenda nito na kasuhan ng pandarambong, direct bribery at katiwalian sina dating Bureau of Immigration Deputy Commissioners Atty. Al Argosino at Atty. Michael Robles.
Direct bribery naman ang ipinasasampa kay dating BI Intelligence Chief Charles Calima at kasong corruption of public officials kay Wally Sombero na umano’y bagman ni Jack Lam at nagbigay ng pera sa mga opisyal.
Inirekomenda rin ng komite na paimbestigahang mabuti si Jack Lam.
Matatandaang hindi inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ng plunder sina Argosino at Robles dahil kulang umano ng P1,000 nang bilangin ang sinasabng perang ipinansuhol ni Lam nagkakahalaga ng P50 milyon.