Bilang ng nasawi sa Biliran dahil sa bagyong Urduja, umakyat na sa 33

FB PHOTO| Biliran Island

Umabot na sa 33 ang bilang ng mga nasawi sa probinsya ng Biliran dahil pananalasa ng bagyong Urduja.

Ito ay makaraang ma-recover ang sampu pang katawan na pawang nasawi sa landslide.

Ayon kay Jun Dacillo, pinuno ng Biliran Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, maliban sa 33 nasawi sa kanilang lalawigan, mayroon pang 23 na nawawala.

Sa barangay Lucsoon sa bayan ng Naval, narecover ang katawan ng isang bata na naputulan ng ulo dahil sa landslide.

Patuloy ang isinasagawang search and retrieval operations sa mga nawawala pang indibidwal na pawang mula sa Barangay Lucsoon at sa maging sa bayan ng Caibiran.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...