Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 240 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 18 kilometers bawat oras sa direksyong West Southwest.
Dahil papalayo na, inalis na ng PAGASA ang signal number 1 na nakataas sa Palawan.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo sa pagitan ng umaga at tanghali ngayong araw.
Samantala, ang Low Pressure Area naman na binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR ay huling namataan sa 1,395 kilometers East ng Mindanao.