Sereno, nais ipa-subpoena ni Gadon sa Kamara

 

Hihilingin ni Atty. Lorenzo Gadon sa Kamara na padalhan ng subpoena si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Layon aniya nito na mapilitang dumalo si Sereno sa Mababang Kapulungan dahil kung hindi pa siya haharap sa mga mambabatas ay maari siyang maaresto.

Ayon kasi kay Gadon, may mga isyu na tanging si Sereno lamang ang makapagbibigay linaw tulad na lamang ng may mga kinalaman sa kaniyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at kaniyang personal data sheet.

Inaakusahan kasi ni Gadon si Sereno ng hindi tapat na pagdedeklara ng kaniyang mga yaman at embellishment ng kaniyang mga credentials nang mag-apply ang punong mahistrado sa hudikatura.

Dagdag pa ni Gadon, kung handang humarap sa pagdinig ang kaniyang mga kasamahang mahistrado, walang dahilan para hindi humarap ang mismong chief justice.

Matatandaang nagbigay na ng kanilang mga testimonya sina Associate Justice Teresita de Castro, Noel Tijam at Francis Jardeleza.

Read more...