Dating Sec. Ona, handang humarap sa Senado kaugnay ng Dengvaxia issue

 

Nagpahayag si Dating Health Sec. Enrique Ona ng kahandaan na humarap sa Senado at magbigay ng kaniyang testimonya kaugnay ng isyu sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Kakauwi lamang ng dating kalihim sa bansa mula sa Estados Unidos kahapon.

Muli namang sinisi ni Ona ang sumunod sa kaniya na si dating Health Sec. Janette Garin sa isyu dahil ito aniya ang nagrekomenda noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino na bilhin sa Sanofi Pasteur ang Dengvaxia.

Nagbitiw sa pwesto si Ona noong 2014 sa kasagsagan ng pagkokonsidera ng nagdaang administrasyon ang pagbili sa Dengvaxia.

Giit ni Ona, alam na niya na ang mga posibleng epekto ng Dengvaxia sa mga taong matuturukan nito na hindi pa nakakaranas ng dengue.

Gayunman, ipinagpatuloy pa rin ng administrasyong Aquino ang pagbili nito nang hindi man lang aniya masinsinang pinag-aaralan ang magiging long-term effect nito.

Matatandaang unamin ng Sanofi Pasteur na bagaman ligtas ang Dengvaxia sa mga nagkaroon na ng dengue noon, maari namang maging malubha ang mararanasang dengue ng mga taong hindi pa nagkakasakit bago mabakunahan, oras na makagat sila ng mga infected na lamok.

Read more...