Ayon kay Dela Rosa, nalalapit nang masibak sa puwesto ang mga naturang pulis bilang bahagi ng paglilinis sa kanilang hanay.
Ang mga ito aniya ay may ranggong Police Superintendent o may katumbas na ranggong Colonel sa army.
Mayroon pa aniyang mga nasa ranggong Police Officer.
Sa kasalukuyan, hawak na aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga pangalan ng mga ito at ng iba pang mga pulis na dawit sa operasyon ng iligal na droga.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may tinututukan na sila na hanggang 90 mga pulis na natukoy na sangkot sa droga.
Binalaan ni Pangulong Duterte ang mga ito na lisanin na ang PNP dahil kanila nang sisimulan ang ‘purging process’sa National Police force.