Duterte sa PNP: ‘Wala nang extrajudicial killings’

 

Screengrab/RTVM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Philippine National Police na huwag gagawa ang mga ito ng mga extrajudicial killings sa kanilang mga operasyon.

Sa kanyang talumpati sa Kampo Crame, sinabi ng pangulo na wala na dapat pulis na masasangkot sa mga extrajudicial killings sa mga susunod na araw.

Dapat aniya ay pawang mga lehitimong police encounter na lamang ang kanyang maririnig sa mga susunod na araw.

Bukod dito, inatasan rin ng pangulo ang mga pulis at militar na maging masugid sa kanilang kampanya kontra sa teroristang New People’s Army.

Ito’y matapos na salakayin ng NPA ang grupo ng mga sundalo na tumutulong lamang sa relief efforts sa Northern Samar matapos masalanta ng bagyong Urduja.

Tinawag pang ‘duwag’ ni Pangulong Duterte ang NPA dahil sa nanghihiram aniya ng tapang ang mga ito dahil sa may hawak silang baril.

Read more...