Hindi man tahasang inamin ni Sen. Loren Legarda, aminado ito sa kanyang kagustuhan na pamunuan ang isang departamento na nangangalaga sa mga mahihirap
Ang reaksyon ay kaugnay sa umanoy alok sa senadora na pamunuan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) pagkatapos ng termino nito bilang senador.
Pero iginiit ng senadora na gusto niya na magamit ang oversight functions sa importanteng departamento na nangangasiwa sa lahat ng government agencies para matulungan ang mga nasasalanta ng anumang kalamidad tulad ng bagyong Urduja ngayon.
Giit ni Legarda, pinaka tinatamaan ng ganitong mga kalamidad at bagyo ang mga mahihirap na mga kababayan na nangangailangan ng higit na ayuda ng gobyerno.
Nauna ng sinabi ni Legarda na natutuwa siya dahil na sa ilalim ng flagship project ng DSWD na 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay naitaas sa P141 Billion ang pondo ng DSWD.
Nagamit rin ng kongreso ang mga special provisions ng 4P’s sa pamamagitan nang pagsasama ng environmental protection, disaster risk reduction at climate change adaptation and mitigation na inaasahang makakatulong sa mga kababayan nasasalanta ng bagyo o kalamidad.