Higit 1,000 flights, kanselado sa pinakaabalang paliparan sa mundo sa Atlanta

AP photo

Kanselado ang mahigit 1,150 flights sa Hartsfiel-Jackson Atlanta International Airport, ang pinakaabalang paliparan sa mundo.

Resulta ito ng kawalan ng suplay ng kuryente sa mga paliparan dakong ala-1:00 ng hapon sa Atlanta.

Ayon kay Atlanta Mayor Kasim Reed, sumiklab ang apoy sa isang Georgia Power underground electrical facility. Napinsala nito ang dalawang substation na nagsu-suplay ng kuryente sa airport.

Ani Reed, maging ang “redundancy system” ng paliparan na nagsisilbing backup power ng paliparan ay apektado rin.

Hindi pa rin natutukoy ang sanhi ng sunog.

Sa ngayon, naibalik na ang kuryente sa isa sa pitong concourse ng Hartsfiel-Jackson Atlanta International Airport.

Inaasahan namang maibabalik ang buong suplay ng kuryente dakong hatinggabi.

Stranded naman ang mga eroplaning tungo sa Atlanta, habang ang iba naman ay diverted o inilihis sa ibang lugar.

Read more...