3 pulis na may ranggong Supt. at 90 na iba pa, pinasisibak ni Pang. Duterte

Inquirer file photo

Pinatatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong pulis na may ranggong Superintendent dahil sa pagiging kurakot at gangster.

Sa speech ng pangulo sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, sinabi nito na gusto niya ring tanggalin ang may 60 hanggang 90 pulis.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo ang pagkakakilanlan ng mga pulis na nais niyang sibakin sa puwesto.

Nakadidismaya ayon sa pangulo dahil nakapasok sa PNP ang mga kurakot at mga gangster.

Sabi ng presidente, inuumpishan na niya ang paglilinis sa hanay ng police Institution at talagang hihiritan niya aniya ang mga ito.

“I’m just warning itong mga pulis na kurakot o ‘yung mga may — it could be the mayor’s office or it could be — talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo”, ani Duterte.

Sanay umano ang mga ito sa kalokohan gaya ng pangho-hold up at iba pang mga ilegal gaya ilegal na droga na aniya’y hindi niya hahayaan at talagang aalisin sa serbisyo.

Read more...