Sa inilabas na pahayag ng PNP, naghahanda na ang kanilang tactical at maneuver units kontra sa posibleng pag-atake ng komunistang grupo.
Inalerto na rin ng PNP ang lahat ng kanilang units na panatilihin ang anila’y “high state of vigilance” laban sa CPP-NPA.
Magiging katuwang naman ng pambansang pulisya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang paghahanda.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na pagdedeklara sa CPP at NPA bilang teroristang grupo.
MOST READ
LATEST STORIES