Bilang ng mga pasaherong nastranded sa mga pantalan, nabawasan na

Nabawasan na ang bilang ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa sama ng panahong dulot ng Bagyong Urduja.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), mula 17,000, nasa 9,775 pasahero na lamang ang hindi pa nakakabiyahe sa mga pantalan sa Central Luzon, Palawan, Bicol, Western Visayas, Southern Tagalog, at Southern Visayas.

Sa datos din ng PCG, 913 rolling cargoes, 88 vessels at 20 motor bancas ang stranded din sa mga naturang rehiyon.

Inabisuhan pa rin ng PCG ang units nito na higpitan ang pagpapatupad ng guidelines sa mga sasakyang-pandagat tuwing masama ang panahon.

Read more...