Carigara, Leyte isinailalim sa state of calamity

 

FB/Carigara MDRRMO

Isinailalim na rin sa state of calamity ang bayan ng Carigara sa Leyte dahil sa epekto ng bagyong Urduja.

Ang Carigara na ang ikatlong bayan sa Eastern Visayas na nasa state of calamity dahil sa naging pinsala ng naturang bagyo.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Tacloban City at Ormoc dahil sa naturang bagyo.

Maraming mga lugar sa Carigara ang nalubog sa tubig-baha dahil sa ilang araw na naranasang pag-ulan.

Ilang pamilya rin ang pinalikas sa Bgy. Tagak matapos tumaas ang tubig sa katabing ilog ng barangay.

Read more...