David Oro ng DZMM, muntik mabiktima ng riding-in-tandem sa Quezon City

david oro 2Tinangkang biktimahin ng riding-in-tandem ang Broadcaster ng DZMM at kaniyang pamilya sa harap mismo ng kanilang tahanan sa Quezon City.

Ayon kay DZMM Broadcaster David Oro, alas 11:00 ng gabi kagabi nang sila ay dumating sa kanilang bahay sa San Francisco Del Monte sa Quezon City.

Pagdating sa harap ng gate, bumaba na ng sasakyan ang asawa niyang si Hazel at kanilang anak.
Doon na aniya lumapit ang isang suspek, tinutukan ng baril ang kaniyang misis at pilit inaagaw ang shoulder bag nito.

Nang mapansin ang komosyon sa gilid na bahagi ng kaniyang sasakyan, agad siyang lumabas para sakloloohan ang asawa.Doon na aniya nataranta ang suspek na nakasuot pa ng helmet at mabilis na sumakay sa motorsiklong minamaneho ng isa pang lalaki at tumakas patungo sa bahagi ng Muñoz, Quezon City.

Duda ni Oro, posibleng tumakas na lang ang suspek dahil nahulog ang magazine ng cal. 45 na baril nito. Kaninang umaga ay na-recover ang nasabing magazine sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Read more...