Hinihinalang ilang araw ng patay ang driver ng taxi nang ito ay matagpuan sa loob ng pinapasadang sasakyan sa panulukan ng Main Avenue at 18th Avenue sa Cubao, Quezon City.
Ayon sa mga Barangay Tanod sa lugar, apat na araw nang nakaparada doon ang JAAC taxi na may plate number na UVR 714 bago natuklasan ang wala nang buhay na driver sa loob nito.
Nakaupo sa driver’s seat ang biktima at duguan ang dibdib nito na posibleng dahilan ng tama ng saksak.
Ayon sa mga residente sa lugar, may bahagyang tint ang taxi at ang bintana sa bahagi ng driver’s seat nito ay natatakpan ng sunshield.
Pero kanina, ilang residente na ang naghinala matapos umalingasaw ang masangsang na amoy kaya binuksan na ang taxi.
MOST READ
LATEST STORIES