Nanganganib maipasara ang isang punerarya sa Litex Road sa Quezon City dahil sa pagbagsak sa proper sanitation.
Sorpresang nagsagawa ng inspeksyon sa Urban funeral homes ang mga tauhan ng Quezon City Health Department, Sanitation Department at Registrar’s Office.
Sa nasabing inspeksyon, natuklasan ang kawalan ng sanitation permit at business permit ng nasabing establisyemento.
Nakitaan din ng paglabag ang nasabing punerarya dahil may nakitang laman loob ng tao na nasa kaldero lamang na halos nanunuyo na.
Ang nasabing punerarya ay naisyuhan na dati ng ‘warning’ ng QC local government dahil nga sa hindi pagsunod sa tamang sanitation.
Gayunman, nang sopresang bisitahin kanina, marami pa ring paglabag na nakita sa nasabing punerarya.
MOST READ
LATEST STORIES