Dagdag sahod sa mga jail guards, kailangan ayon kay PNP Chief Dela Rosa

Kakulangan sa sweldo ang dahilan ng paglaganap ng drug trade sa loob ng mga kulungan sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa sa kanyang pagdalo sa ika-112 founding anniversary ng Bureau of Corrections (BuCor).

 

Ayon kay Dela Rosa, simple lamang ang solusyon para magbalik-loob ang mga jail guards sa pamahalaan. At ito ay ang pagbibigay sa mga jail guard at iba pang personnel sa mga piitan ng karagdagang sweldo.

Ani Dela Rosa, sa pamamagitan nito ay malalayo ang mga jail guard sa tukso ng pakikipagsabwatan o hindi pagpansin sa nagaganap na pagbebenta ng iligal na droga sa loob ng mga kulungan.

Ayon pa sa PNP chief, sa kanyang pag-upo bulang pinuno ng BuCor ay magiging prayoridad niya ang pagtataas ng sahod ng mga jail personnel.

Binantaan niya rin ang mga nag-o-operate na drug lord sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) na magiging masaklap ang kanilang buhay sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng BuCor.

Ngunit inamin naman ni Dela Rosa na wala pa siyang kongkretong plano sa kung paano niya matatanggal nang tuluyan ang drug trade sa loob ng Bilibid.

Read more...