Meryl Streep, kinatakutan ang makatrabaho sina Tom Hanks at Steven Spielberg

COURTESY: AP

Sa dami ng pelikulang nagawa at mga artistang nakatrabaho ng batikan na aktres na si Meryl Streep, nakakagulat na sa paggawa lamang ng pelikulang ‘The Post’ niya nakasama sina Tom Hanks at Steven Spielberg.

Inamin ng three-time Academy Award winning actress na natakot siyang makatrabaho si Spielberg dahil hindi ito nag-re-rehearse bago ang take.

Ayon pa kay Meryl, lalo pa siyang natakot dahil alam niyang sanay na si Tom sa paraan ng pagdidirehe ni Spielberg.

Ani Meryl, hindi nagkakamali sa shooting si Tom. Lagi umano itong handa at ibinabato ang kanyang mga linya ng sakto sa nakalagay sa script.

Bagaman natakot si Meryl ay nakatulong naman ito para mag-step up siya sa kanyang pag-arte.

Paglilinaw ni Meryl, masaya naman ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng “The Post.”

Ang naturang pelikula ay tumatalay sa kontrobersyal na Pentagon Papers ng Estados Unidos na lumabas sa kalagitnaan ng Vietnam War.

Read more...