Kwento ng ina ng pamilya na si Minerva Almalvez, namili sila ng mga panregalo sa isang mall sa Pasay bago nagpunta sa isang paid parking lot sa Macapagal Boulevard para kumain.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa kanilang sasakyan para sana ay makauwi na.
Laking gulat ng pamilya Almalvez nang makitang hindi na naka-lock ang driver’s at passenger’s seat ng kanilang Toyota Tamaraw FX.
Pagbukas nito ay doon na nila nakitang wala na ang kanilang mga pinamili na aabot umano sa P8,000.
Wala na rin ang naiwang smartphone, na tinatayang nasa P40,000.
Ayon kay PO2 Christopher Nero, talamak ngayong Christmas season ang mga pagnanakaw sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa naturang insidente ng pagnanakaw.