Mga aso naka-bawas sa stress ng mga UP students ngayong ‘hell week’

Ipinagbabawal ang mga aso na pagalain sa UP Academic Oval. Ngunit ngayong tinatawag na ‘hell week’ ay binisita ang Unibersidad ng Pilipinas ng tatlong mga asong sina Kimchi, Ginger, at T-Bone.

Si Kimchi ay isang cocker spaniel, habang golden retriever naman sina Ginger at T-Bone.

Silang tatlo ay tinatawag na AmbassaDogs ng animal welfare group na Compassion and Responsibility for Animals (CARA).

Layunin nila na bumisita sa mga paaralan at mga opisina para itaguyod ang responsible pet ownership. At kasabay din nito ang makabawas sa stress na nararanasan ng mga mga mag-aaral at empleyado.

Inimbitahan ng University Student Council ang ang AmbassaDogs sa dalawang araw na pagdalaw sa UP para matulungan ang mga Iskolar ng Bayan na mag-destress dahil kasagsagan na ng final exams at submission ng mga end-of-semester requirements.

Ayon sa tagapagsalita ng CARA na si Eric Saguitan, marami nang mga pag-aaral kung saan nakasaad na ang mga hayop, kabilang na ang mga aso, ay nakakatulong sa pagtanggal ng anxiety at kalungkutan.

Read more...