Wildfire sa California, patuloy pa ring lumalaki

Patuloy pa ring lumalaki ang wildfire sa California at nagbabadya itong manalasa sa mga kabahayan sa kanlurang bahagi ng Los Angeles.

Sa pagitan ng Huwebes at Biyernes ng gabi, 3,000 acres pa ang natupok ng sunog na tinatawag na Thomas Fire.

Sa huling tala, nasira ng naturang wildfire ang 1,000 mga gusali, kabilang ang 700 kabahayan. Nagbabadya itong manira pa ng karagdagang 18,000 mga istraktura.

Samantala, namatay naman ang isang bumbero ng California Department of Forestry and Fire Protection na si Cory Iverson.

Sa ngayon, $89 milyon na ang nagagastos sa pag-apula ng Thomas Fire. Kabilang sa ginagastusan ang nasa mahigit 8,000 bumbero, 32 helicopter, at 78 bulldozers.

Ang Thomas Fire ang ika-apat sa pinakamalaking wildfire sa kasaysayan ng California.

Read more...