Gaganapin ang parada sa Sabado, December 23 sa ganap na alas dos ng hapon, at inaasahang matataapos bandang alas singko ng hapon.
Magsisimula ito sa Muntinlupa Sports Complex, dadaan sa Centennial Avenue at National Road papunta sa Filinvest Event Grounds.
Dahil dito, isasara ang National Road, mula Susana Heights hanggang Alabang, simula alas-12 ng tanghali at inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternative routes.
Inabisuhan ang mga motorista na manggagaling ng Tunasan at San Pedro/Biñan, Laguna na dumaan na lamang sa Susana Heights Access Road, pumasok ng SLEX at lumabas sa Alabang/Sucat o Filinvest Toll Plaza.
Para naman sa mga mangagaling ng Poblacion sa Katihan Street, Camella 4, at NBP, dumaan na lamang sa sa Daang Hari Road via Katarungan Village.
Para sa mga sasakyang manggagaling sa Soldiers Hills, Mutual Homes, Camella Homes, Pleasant Village at RCE Homes, makabubuting dumaan sa Cares Access Road at sundan ang mga directional signs na nakalinya sa mga kalsada.
Samantala, maaari namang kumanan mula Alabang-Zapote Road sa Investment Drive papuntang Daang Hari Road, at dumeretso sa MCX/SLEX papunta sa destinasyon ang mga mangagaling sa Las Piñas/BF Homes at magtutungo sa Alabang.
At para naman sa mga motorista na manggagaling sa East Service Road, kumaliwa sa Montillano Street, kanan sa Baybayin (Coastal Road) papunta sa destinasyon.
Nagpaalala rin si Orbos na hindi maaaring magdala ng mga bag ang mga gustong manood ng MMFF parade.
1,500 na mga security personnel mula sa hanay ng pulis, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang ipapakalat sa dadaanan ng parada.