Dahil sa naturang aksidente, sugatan ang motorcycle rider na si Podie Abarico, habang maswerteng nakaligtas ang angkas nitong si Ranie Ocomen.
Kwento ni Patrick Rodriguez na driver ng AUV, binabagtas niya ang Banawe Street at nang makasabay ang isang 10-wheeler truck ay pinauna siya nito.
Kaya naman umarangkada si Rodriguez. Ngunit kasabay nito ang biglang pagsingit ng motorsiklong minamaneho ni Abarico.
Hindi na nagkaroon ng sapat na panahon si Rodriguez para pumreno, dahilan para mabangga nito ang motor.
Kapwa naman walang helmet at nakainom sina Abarico at Ocomen.
MOST READ
LATEST STORIES