Simbang Gabi, nagsimula na

Kuha ni Jong Manlapaz

Hudyat ng papalapit na ang Kapaskuhan ang pagsisimula kagabi ng tradisyonal na ‘Simbang Gabi’.

Libu-libong mga Katoliko sa bansa ang nagtungo sa mga simbahan upang pasimulan ang siyam na araw na nobenaryo bilang paghahanda sa Pasko.

Karaniwang sa madaling araw ito isinasagawa ngunit upang mapunan ang pangangailangan ng mga taong may mahirap na iskedyul sa trabaho ay mayroong ‘anticipated mass’ na nagaganap tuwing gabi.

Sa Mary, Queen of Peace Shrine o mas kilala sa tawag na ‘EDSA Shrine’, napuno ang simbahan ng mga mananampalataya para sa unang Simbang Gabi.

Pinamunuan ng rector ng shrine na si Fr. Larry Abaco ang misa.

Sumentro ang homilya ni Abaco sa panawagang ihanda ng mga mananampalataya ang kanilang mga tahanan at puso sa pagdating ng mesiyas.

Read more...