Ex-PNoy, hindi pa ganap na lusot sa Dengvaxia controversy

Hindi pa ganap na lusot si Pangulong Benigno Aquino III at iba pang opisyal ng nakaraang administrasyon sa kontrobersyal na pagbili ngkontrobersyal na Dengvaxia vaccine issue.

Ito ang paniniwala ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na nangunguna sa imbestigasyon sa kinukuwestyong pagbili ng P3.5 bilyong pisong anti-dengue vaccine noong 2015.

Ayon kay Gordon, palaisipan sa kanyang komite kung bakit naging mabilis ang proseso ng pagbili ng Dengvaxia vaccine at maging ang pagkakarehistro nito sa Food and Drug Administration o FDA.
Paniniwala ni Gordon, may posibilidad na nauna na ang plano na pagbili ng Dengvaxia bago pa man ang pangangailangan nito.

At nang maplantsa na ang pagbili ng anti-dengue vaccine, ay agad itong hinanapan ng pondo at mabilis na isinakatuparan ang transaksyon.

Paliwanag pa ng senador, bagamat naniniwala siyang may pananagutan si dating pangulong Aquino, ay hindi naman maisisisi ng buo sa dating pangulo ang Dengvaxia issue.

Read more...