Malakas na magnitude 6.5 na lindol yumanig sa Java, Indonesia

Niyanig ng malakas na magnitude 6.5 na lindol ang baybayin ng Java, Indonesia, pasado ala-una ng madaling araw ng Byernes.

Ayon sa United States Geological Survey, (USGS) naitala ang episentro ng lindol mahigit sa 100 kilometro ang layo mula sa lungsod ng Bandung, Indonesia.

May lalim na 104 na kilometro ang naturang lindol.

Dahil sa naging malakas ang pagyanig, ilang mga struktura ang yumanig na nagdulot ng panic o pagkataranta umano ng mga residente.

Samantala, ayon sa kanilang Nationwide Catastrophe Mitigation Company spokesman na si Sutopo Purwo Nugroho, may mga natanggap na silang ulat ng mga gumuhong mga gusali at iba pang struktura resulta ng malakas na lindol.

May mga ulat na rin ng nasawi sanhi ng lindol.

Gayunman, nagpapatuloy pa ang pagkalap nila ng mga karagdagang impormasyon sa lawak ng pinsala ng kalamidad.

Naglabas rin ng tsunami warning ang pamahalaan ilang sandal matapos ang inisyal na pagyanig.

Hanggang sa kasalukuyan, nakakaranas pa rin ng mga aftershocks ang western at central Java.

Read more...