Sa 2:00 am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Urduja sa 215 kilometers East of Borongan City, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 75 kilometers per hour at pagbugso na 90 kilometers per hour.
Patuloy naman itong inaasahang kikilos patungo sa direksyong West Northwest, sa bilis lamang na 7 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar at Biliran.
Signal number 1 naman ang naitala sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Romblon at Masbate, kabilang na ang Burias at Ticao Islands.
Gayundin sa Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu, Capiz, Aklan, Northern Iloilo, Northern Negros Occidental, Northern Bohol at Dinagat Islands.
Pinag-iingat naman ang mga tao sa posibleng pagtaas ng alon sa mga coastal areas na maaring magdulot ng coastal flooding.