Taliwas ito sa bersyon na isinusulong ni Sen. Panfilo Lacson kung saan kinaltas ang lahat ng mga pork barrel funds, na bigong maipursige ng Senado.
Nakasaad sa final report para sa panukalang 2018 national budget na nagkakahalagang mahigit P3.7 trilyon, dinagdagan ng parehong kapulungan ng Kongreso ng P11.1 bilyon ang alokasyon para sa DPWH.
Dahil dito, kabuuang P637.9 bilyon na ang makukuhang pondo ng DPWH para sa susunod na taon.
Matatandaang inirekomenda ni Lacson ang pagtapyas sa P68 bilyon sa budget ng DPWH na nakalaan sa mga proyektong may nakabinbin pang isyu sa right-of-way.
MOST READ
LATEST STORIES