Isinailalim na sa state of calamity ang Tacloban City, Leyte sa gitna ng patuloy na pananalasa ng Bagyong Urduja sa Eastern Visayas.
Batay sa resolusyon na nilagdaan ni Maila Andrade ng Sangguniang Panlungsod, ito ay dahil sa mga pagbaha at landslide na idinudulot ng malakas na ulan at malakas na hangin.
Nagpapaulan ang Bagyong Urduja sa Eastern Visayas at huling namataan 230 kilometro sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Halos hindi ito gumagalaw sa bilis na limang kilometro kada oras.
Dala nito ang hanging aabot sa75 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometro kada oras.
Nasa ilalim pa rin ng Signal No. 1 ang Leyte.
MOST READ
LATEST STORIES