Martial law sa buong bansa, spekulasyon lang ayon sa AFP

Masyado pang maaga para talakayin ni Armed Forces of the Philippines chief General Rey Leonardo Guerrero ang usapin ng deklarasyon ng batas militar sa buong bansa.

Ipinahayag ito ni Guerrero sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo. Aniya, spekulasyon pa lamang ito.

Gayunman, sinabi ng AFP chief na nakadepende ang pagpapalawak ng martial law sa magiging sitwasyon at kung maging marahas ang kanilang mga kalaban.

Lumutang ang mga usap-usapan ng posibilidad ng pagsasailalim sa martial law ng buong bansa makaraang palawigin nang isang taon ang batas militar sa Mindanao.

 

 

 

Read more...